The Five Stages Of
By Zeus
Date: January 16, 2022
Ch. 5Warning Her


SABRINA

Haaay. Umaga na naman. Gising na ang pinakamamahal niyong diwata. Ang diwatang ubod ng ganda, bait at talino. Oh ano, papalag kayo? Tss.

Magkikita na naman kami ng ungas na Shane at ni

C-Carlyle...

Teka, bakit ako nauutal? Duh. Di ko naman siya crush ah. Bakit naman ako magkaka-crush sa isang nerd na lampa pero may pagka-sweet. Duh, ang dami dami kayang naghahabol na lalaki sa akin tas sa kanya lang ako mapupunta. Pwee.

Wag siyang umasa!!!

Wooooh.

Makaligo na nga ng makakain na din ako sa kusina.

Hmm.. Pero come to think of it, hindi naman panget na nerd si C-Carlyle. Siya nga yung pinaka-hot na nerd na nakita ko.

Aish!! Ano ba tong pinag-iisip ko. Kulang lang talaga ako sa ligo. Ugh.

Unknown no. calling...

Tss. Disturbo. Sino na naman kaya to? Sabi sa inyo eh, dami kong stalker? :P

[H-hello?]

Aba, nauutal pa. Mukhang boses lalaki to ah.

Ganda ko talaga.

"Sino ka? Paano mo nakuha number ko?"

Duh. Stranger kaya to, diba nga sabi nila. DONT TALK TO STRANGERS.

[Uh, si C-Carlyle t-to]

*Dub dub dub dub*

Shet. Bakit ako kinabahan bigla?

"A-Ah, I-ikaw pala"

Aigoo. Kalma lang. Wag masyadong pahalata na kinakabahan ka.

[G-Gusto ko l-lang sana b-batiin ka ng G-Good morning]

Napangiti naman ako bigla. Ene be. Di ako kinikilig ahh.

"Ahh ganun ba. Sige salamat. Kita nalang tayo sa school"

Pinatay ko na si Carlyle, joke lang. Yung phone call ang pinatay ko.

Di pa nga ako nakaligo eh pero feeling ko ang light light ng pakiramdam ko.

~

As usual, nang makarating ako sa campus eh nagtinginan na naman lahat ng tao. Ano ba? Ganun na ba talaga ako kaganda para pagtinginan nilang lahat?

"Well, well. Nandito na pala ang Flirt of the campus"

Biglang may lumabas na usok sa tenga ko at pinalabas sa palad ko ang brilyante ng apoy saka ko sinunog ang mukha ng isang panget na palaka.

Pero syempre, joke lang! Sa ganda kong to bakit naman ako papatay. Edi sa kulungan bagsak ko. :P

Nilapitan ko nalang sila at nginitian ng napakapekeng ngiti.

"Pakiulit nga yung sinabi mo?"

Nagtinginan sila sa isa't isa na parang kinakabahan

Bigla naman umalis yung isa nilang kasama sabay sabing 'Bye girl!!!'

Takot siguro makalbo ko hahahaha

"Sabi ko Flirt ka. Malandi. Rinig mo na?"

Ngumiti pa rin ako sa kanila at napalunok naman sila sa takot. Nakakatawa itsura nila, akala siguro nila na sasaktan ko sila

As if naman hahawakan ko sila, baka madumihan pa ako kung makahawak ako ng mga basura.

"Diba dapat ikaw yun? Hah. Bakit ko naman naagaw bigla ang korona mo?"
Sumama ang naman tingin niya. Tanga talaga eh, siya kaya yung malandi. Kahit sa mga prof lumalandi basta lang makapasa at makagraduate.

"H-Hindi ako malandi. Ikaw yung malandi. Tama, ikaw! Nilandi mo na nga si Shane pati ba naman pinsan niya? Grabe ka te. Lahat na lang ng gwapo nilalandi mo"

Nag-smirk naman ako sa kanila sa sabing

"Atleast gwapo lahat ang lumalapit sa akin. Eh ikaw? Kung sinu sino lang basta kaya ibigay lahat ng gusto mo. Kadiri ka gurl."

Sasampalin niya na sana ako ng biglang may humawak sa kamay niya kaya di yun natuloy. Tss. Game pa naman ako sa laban ngayon.

"S-Shane?"

Nabigla naman ako ng marinig ang pangalan niya. Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako? O baka naman sila ang sinusundan niya? Pero bakit niya pinigilan si Ms.Froggy? Di naman siya ganyan ahh.

"Don't you dare slap her"

Mas lalo akong nabigla. Weh? Di nga? Si Shane talaga tong kasama namin ngayon? Bakit naman biglaan siyang naging concern sa akin?

Bago paman sila makasagot ay hinila ako ni Shane palayo sa kanila. Aba grabe din ang trip ng isang to ah.

"Hoy ano ba?"

Tanong ko sa kanya pero di siya sumagot. Tumigil naman kami sa paglalakad ng makarating kami dito sa lover's park

~

SHANE

"Hoy ano ba?"

Tawag niya sa akin pero di ko siya sinagot. Dinala ko siya dito sa lover's park sa campus namin

Kailangan niyang malaman na hindi ako yung masamang tao dito. Na may binabalak na masama ang pinsan ko.

Pero paano ko to sasabihin sa kanya?

"Hoy Shane! May pasok pa tayo, baka malate ako. Utang na loob sabihin mo na gusto mong sabihin"

Ano? Paano? Tulungan niyo ako!

Aish. Bahala na, basta masabi ko sa kanya ang mga bagay na to.

"S-Sorry"

Ugh. Sorry? At talagang nautal pa ako? Ano ba naman yan. It's so unlike me.

"Sorry saan?"

Inhale.Exhale.Inhale.Exhale.

"Sa paghalik sayo."

Tiningnan niya lang ako ngayon. Blanko pa talaga ang ekspresyon sa mukha niya. Grabe, nakakahurt ng feelings.

"Yun lang? Sige alis na ako"

Tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang isang kamay niya kaya natigilan siya

"May sasabihin pa ako tungkol sa pinsan ko"

Ugh. Nangingig talaga ako sa tuwing binabanggit ang halimaw na yun.

"Oh ano naman yun? At ano ba paki ko sa inyo?"

Aigoo! Bakit ba ang tigas ng babaeng to? Maldita talaga.

"Mag-ingat ka. Alam ko hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero isa lang mapapayo ko sayo. Ingatan mo sarili mo pati puso mo."

Aish. Yan tuloy, iba yung nasabi ko. -__-

~

SABRINA

"Mag-ingat ka. Alam ko hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero isa lang mapapayo ko sayo. Ingatan mo sarili mo pati puso mo."

Natigilan ako lalo sa sinabi niya. Ano kayang nakain ng lalaking to.

"Ohh akala ko ba tungkol sa pinsan mo? Aish. Sinasayang mo lang oras ko eh"

Umalis nalang ako at naglakad patungo sa room. Wala akong mapapala sa kanya.

Atsaka, bakit niya sinasabi na ingatan ko ang puso ko? Wala naman akong sakit sa puso. Duh.

Pero no joke, wala talaga akong sakit at wala din naman akong boyfriend. Masyado akong maganda para pumili ng isang pangkaraniwang mukha lamang.

Kahit ano pang sabihin niya, kaya kong alagaan ang sarili ko. Hindi naman ako lumpo at hindi ako tanga tulad ng mga nakakasama ko dito sa campus maliban sa bespren ko.

Pagkapasok ko sa room ay, ano pa bang bago? Syempre, all eyes on me.

"Hoy Sabrina!!"

Tawag sa akin ng isa kong kaklase na top 2 dito. Si Tiana Alonte.

"Oh tawag mo ko TOP 2?"

Diniin ko talaga ang pagkasabi nun para mainis siya lalo. Ako lang naman ang nakakasira sa araw niya.

Palibhasa insecure kasi wala siya sa level ng kagandahan at talino ko.

"Wag ka ngang pasikat Sabrina, ako pa rin ang president dito kaya respetohin mo ako"

Ahh oo nga pala, proud siya eh. Kaya lang naman ako pumayag na maging president siya dahil nakakapagod kaya na lahat ng responsibilidad sa room ay mapupunta sayo.

Kaya napagdesisyunan ko na, Muse lang ako. Di lang sa room kundi sa buong department namin.

Wag papalag, nakamamatay. :P

"Ahh oo nga pala. Keep up the good work TOP 2"

Nakaupo na pala ako sa upuan ko at bigla naman pumasok si Shane papuntang likuran.

Hindi naman talaga sa likuran, yung second row lang. Nasa likuran ko kasi siya.

Pero hinahanap ng mga mata ko ang presensya at mukha ng isang lalaki.

Bakit wala pa siya? May ginawa na naman kaya tong nasa likod ko?

"S-sino hinahanap mo?"

Ay kabayong bakla!!!

"Bwisit ka. Bakit ka nanggugulat Carlyle?!!"

Fact: Ayaw na ayaw ko ng surprises o yung gugulatin ako.

The last time may nanggulat sa akin, nasampal ko. Alala niyo?

"Hehe, s-sorry Miss."

Tss. Buti medyo nasa mood ako ngayon kundi baka ano nagawa ko.

"Tss. Okay lang. Wag mo ng ulitin yun."

Yumuko naman siya bigla

"S-Sorry talaga Miss."

Ano ba, bakit ang galang niya? Nakakahiya naman sa manners ko.

"Ano ba, Sab nalang tawag mo sa akin. Kasing edad lang naman tayo ah"

Ngitian ko naman siya para gumaan yung loob niya at bigla naman may

"Psst"

Panira talaga ng moment tong si Shane.

"Oh ano na naman ba?"

Bigla siyang tumayo at nagpunta sa harap ko

"Usap tayo please"

Aba! Ngayon ko lang yata siya narinig mag-please ahh.

"Ano na naman ba kailangan mo?"

Sige na nga, nakakaawa naman talaga yung mukha niya ngayon. Parang batang inagawan ng kendi.

~

SHANE

Di ko na kaya to. Yung pagbabait-baitan niya. Ang nerdy looks niya. Palabas lang lahat ng yan.

Alam ko may plano talagang masama yung pinsan ko.

Lumabas kami sa room at nasa may pintuan kami malapit

Sasabihin ko na to, it's now or never.

"Mag-ingat ka sa pinsan ko. Hindi mo siya kilala. Wag ka bastang maniwala sa mga sasabihin niya at sa mga gagawin niya wag na wag kang magpapadala. Kaya please, iwasan mo sana siya. Ayokong pamahamak ka"

Nabigla naman siya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin

May nasabi na naman ba akong mali? Ako na nga yung concern sa kanya

"Paano mo nasasabi yan? Sa sarili mo pa talagang pinsan ah. Galing mo rin manira pero diba dapat ikaw ang layuan ko? Ang iwasan ko? Dahil masama kang tao. Pinagt-trippan mo lahat ng nandito, pati ako. At di mo rin pinalampas ang pinsan mo. At bakit ko naman paniniwalaan ang sinabi mo? Oo tama ka, hindi ko nga siya kilala pero unang una sa lahat mabait siyang tao. Kahit na bago pa lang kami magkakilala napapagaan niya na loob ko di tulad mo na sakit sa ulo ang dulot. Ngayon kung wala ka ng magandang sasabihin pa, pumasok na tayo dahil magsisimula na ang klase"

Hindi naman ako nakasagot sa mga sinabi niya. Tama siya. Sino ba naman ako para pagkatiwalaan niya? Isa lang naman akong tanga na palihim na umiibig sa kanya at naniniwala na balang araw ay magkatotoo ang pangarap ko na maging kami.



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color