The Five Stages Of
By Zeus
Date: January 16, 2022
Ch. 2Tension


Break na pala namin ngayon kaya papunta akong locker ko para ilagay ang notebooks ko ng mapansin ko na may pinagt-trippan na naman yung "Xhausted" kuno.

Out of curiousity, tiningnan ko kung sino yung biktima nila at napansin ko na si,

Carlyle?

Teka, bakit niya ginaganyan ang pinsan niya?

Di ko alam pero bigla nalang akong pumunta palapit sa kanila kaya napalingon silang lahat sa akin pati si Carlyle.

"S-Sab?

Tawag sa akin ni Shane kaya naman bumalik ako sa diwa ko. Tiningnan ko siya ng masama bago ko nilapitan si Carlyle.

"O-okay ka lang?"

Pag-aalala ko, di naman talaga ako bitch eh. Medyo lang.

"Umalis ka nga jan Sab. Wala kang kinalaman dito"

Tiningnan ko siya ko ulit saka tumayo para di ako mahirapan harapin siya.

"Ano ba problema mo? Pinsan mo yan pero sinasaktan mo siya. Wala ka na ba talagang awa? Lahat nalang pagt-trippan mo?"

Lumuhod ako ulit atsaka kinuha ko si Carlyle para makatayo siya, dadalhin ko siya sa infirmary para magaling siya.

"T-teka lang Sabrina!!"

Di ko na pinansin si Shane, tss. Bahala siya sa buhay niya. Halimaw siya.

----

Present

SHANE

Argh!! Gago. Napakasaya niya naman. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sayo kapag sasaktan mo si Sabrina.

Lumuhod si Athene para tulungan ang magaling kong "pinsan" na makatayo.

Tss. Di niya ba napansin ang pasa sa mukha ko?

Noong nagsimula na silang maglakad ay palayo ay humarap ang "pinsan" ko pero yung pa side view lang at nakita ko ang malademonyo niyang ngiti.

Arrrrrgh! Naiinis ako. Bakit ba kasi hindi man lang napansin yun ni Sabrina? Ganun niya ba talaga ako kinasusuklaman? Galit na galit ba talaga siya sa akin?

Di man lang niya inalam ang buong pangyayari kanina.

Kinuha ko yung ice pack at nilagay sa gilid ng bibig ko kung saan may pasa.

"Shit."

"Okay ka lang bro?" Tanong ng kabanda ko.

Hindi ako nasasaktan dahil sa pasa, mas masakit yung kanina. Yung hindi man lang siya nag-alala sa akin.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Lyle,

"I'll make her mine then I'll crush her heart into pieces that no one can fix it. Specially you"

At umalis siya sa labas ng bahay. Alam niyo, goody two shoe yung paboritong pinsan ko, may tinatagong kulo sa loob.

Nerdy sa labas, di makabasag pinggan at paborito ng lahat. Pero di nila alam na demonyo yan, kapag kaming dalawa lang ang magkaharap pinapakita niya sa akin ang halimaw niyang ugali kagaya kanina.

Akala niya siguro na hindi ko mapapansin ang paglapit niya kay Sabrina last week pagkatapos ko halikan yung babaeng yun.

Kaya kanina pagpasok niya sa room namin, nagpipigil lang talaga ako ng kamao dahil ayaw kong magkagulo sa loob

Sa di inaasahan, pagkatapos nang klase ay bigla niya akong hinablot sa gilid ng lobby at saka pinasusuntok. May mga kasama siya na nakabihis ng parehang pareha sa mga kabanda ko. Ano na naman kaya ang binabalak niya?

"Alam mo dude, simple lang naman ang technique ko para mapansin agad ako ng babae mo"

Sht. Di kaya may binabalak siyang masama kay Sab?!!

Napatayo naman ako at kumuha muna ng lakas bago ko siya pinagsusuntok. Napahiga siya sa sahig kahit hindi naman masyadong malakas ang suntok ko.

"Gago ka! Wag na wag mong galawin si Sabrina"

Mahina kong sabi sa kanya dahil ayokong may makarinig sa amin

Nabigla naman ako ng biglang may lumapit sa amin.

"S-Sab?"

Tinawag ko siya ngunit tiningnan niya lang ako ng masama saka niya nilapitan si Lay

"O-okay ka lang? May masakit ba sayo?"

Mukhang nag-aalala pa siya sa akin. Nakita ko naman ang smirk ni Lyle na parang nagpapahiwatig na "Diba, ako ngayon ang nagmukhang kawawa sa mata niya"

Nilamon na talaga ako ng inis. Di man lang niya napansin ang galos at pasa ko.

"Umalis ka nga jan Sabrina. Wala kang kinalaman dito"

Pagtataboy ko sa kanya pero di siya natinag. Tumayo siya bigla at nagsalita ng mga sakitang di ko makakalimutan.

"Ano ba problema mo? Pinsan mo yan pero sinasaktan mo siya. Wala ka na ba talagang awa? Lahat nalang pagt-trippan mo?"

Bakit ba pinagtatanggol niya yung tukmol na yun? Eh hindi naman sila magkakilala. Aish. Nakakabwisit.

Makaalis na nga...

~

SABRINA

Dinala ko na kanina si Carl sa infirmary saka siya binilin sa nurse na gamutin ang sugat niya.

Nabigla naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ewan ko ba pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Ugh. Di ko ma-explain. Bigla nalang lumakas ang heartbeat ko. Alam mo yun? Para akong nasa isang horse race.

Nakauwi na nga pala ako sa bahay dahil nawalan ako ng ganang mag-mall.

Bakit kaya nagawa ni Shane yun sa pinsan niya? Magkagalit ba sila? Eh diba magkadugo naman sila? Jusko!

Aish. Bahala sila sa buhay nila, wala na akong paki. Di pwede ma stress ang diwatang maganda.

~

LYLE

Mukhang gumagana ang plano ko. Nakakatawa yung mukha ng mabait kong pinsan kanina.

Alam ko na talaga ngayon ang kahinaan niya. Unti-unti kong paiibigin si Sabrina sa akin saka ko siya sasaktan ng todo para mawasak din ang puso ng pinsan ko.

Palibhasa siya yung talentado sa amin kaya siya yung umaangat sa lahat. Pwes ngayon, tingnan nalang natin kung sino ang mas aangat sa puso ni Sabrina.

Di ko napansin na may bumukas sa pinto ng condo ko. At bigla nalang akong natumba

"Ohh hi dude"

Haha. Sarap niyang inisin.

"Gago ka! Alam ko plano mo at di ko hahayaan na gawin mo yun"

Tumayo naman ako at inayos ang damit ko saka siya ngitian.

"Ano ka ba, kj mo naman. Naglalaro lang naman ako ah. Pero sige subukan mo, tingnan natin kung sino ang mas lalapitan at paniniwalaan ni Sabrina sa ating dalawa. Sa tingin mo ba ikaw ang paniniwalaan niya?" Natigilan siya ng sandali dahil sa sinabi ko pero, agad rin siyang nakabawi.

Naglakad ako papuntang kusina at siya naman ay lumabas na ng bahay. Tss. Kala niya matatalo niya ako?

"I'll break you both. Just wait and see. Mararanasan mo rin ang naranasan ko ng kinuha mo siya sa akin."



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color