The Eligible Wife
By SikretNMisteryosa
Date: January 4, 2022
Ch. 1No choice


Another playful night for the record. Let the game begins...

“Have you already spotted someone?" 

Umiling ako sa tanong ni Leigh.

Gaya pa rin ng dati, maingay sa paligid. Nakakahilo ang pagpapalit-palit ng musika at ilaw sa dancefloor. Nakapagtataka na hindi ko ito pinagsasawaan. In fact, parang nabubuhay na lang ako para pumunta dito sa kaniyang bar.

"Later. Wag kang masyadong excited," I playfully answered.

Umingos siya sakin at nag-ikot ng mga mata.

"Fine. Tawagan mo na lang ako kung sakaling makalingat ako sa pag-alis mo. This night is a blast. Baka mahirapan akong masundan ang mga galaw mo."

"Alright," sagot kong muli at ngumisi sa paligid.

Iniwan niya ako habang ako ay inaabala ang sarili sa paghahanap ng 'playmate' para sa prank ko for tonight.

I’m here at her bar. 'Her' because Yen Madeleigh Venidez is the High Craze owner. She's my best friend—my only friend, I mean. I'm always present every night to flirt and make out with my toys—I mean boys.

Wondering what kind of person am I? Well, they call me wh*re, sl*t, b*tch, liberated girl because I already slept with lots of men.

Tch. Nakikita lang nila na kung sino-sino kasama kong lalaki tuwing gabi ibig-sabihin nakipagtalik na kaagad? Hindi ba pwedeng nakipaglaro lang? Masyado silang mapanghusga. I laughed inwardly. Sino nga ba naman ang maloloko ko na walang nangyayari sa amin ng mga lalaking nakakasama ko in the same hotel room? Such a fool. Oh wait, I'm the one who's fooling all the boys that I'm sleeping with. Do we call it sleeping together? I mean yeah, they were sleeping but I wasn't.

"Who would fall for my precious trap this time, huh?" I muttered mischievously habang pinapanuod ang napakaraming tao sa buong lugar.

Karaniwan na ang eksenang natatagpuan ko sa dancefloor kung saan maliligalig at nag-iingay ang mga ka-edad ko na nakahanap ng kaniya-kaniyang kapareha.

I smirked. Para sakin, pare-parehas lang ang gusto ng mga taong pumupunta rito. They went here to waste money and time, get drunk to forget the sucks of life... get wasted and dirty... and most of all, to find a 'prospect' to fulfill their fvcked up life.

Natigil lang ako sa paglilibot ng mga mata dahil may naramdaman akong tumabi sa akin. I smirked. The perfume is too manly for me para hindi mahulaan na isa itong lalaki. Shit, ang bango.

I smiled and slowly turn my head in his direction.

I was thrilled when I saw him.

He looks cool while nonchalantly biting his lower lip a bit. Bahagya akong natigilan. Effortless ang ginagawa niyang pang-aakit—kung nang-aakit man siya. Hindi naman kasi siya sa akin nakatingin kung hindi sa basong may laman na inumin. This guy is dangerously innocent gorgeous. Dumako ang mata ko sa katawan niya. His physique screams perfect masculinity, its jaw-dropping firmness makes me want to try touching it.

Inayos ko ang sarili ko sa pagkakaupo. Pakiramdam ko ay nadadala ako. Damn it, I am supposedly the one who is seducing him and not the other way around. Wala pa nga siyang ginagawa but why am I drooling this instantly?

Napamaang ako nang lingunin niya ako. Napatigil siya sa pagkagat ng labi niya at umismid. Nanlaki ang mga mata ko. Umismid? Hindi ba dapat ay ngumiti?

"Stop staring. That's rude," pa-ismid niyang sabi. Napaawang ang bibig ko. Teka, rude? Ako? 

“Excuse me?” angal ko.

“You’re drooling while staring, Miss. It’s irritating.”

Nanlaki ang mga mata ko. Ako? Naglalaway? Ang kapal.

"Antipako," di ko mapigilang bulalas.

“Then stop staring. You’re kind of hot but I’m not interested.”

This is the first time that I was treated that way. Lahat ng lalaking lumalapit sa akin ay nginingitian at pini-flirt ako, unless they are gay.

Sanay na ako na may kagaspangan ng ugali ang mga lalaki but I'm kind of pissed. Naiinsulto ako sa paraan ng kaniyang tingin at salita. Pinaningkitan ko siya ng mata at nakita ko ang palapit na waiter na naatasan ni Leigh sa akin. 

No way? Hinanap ko si Leigh. Does this mean ito na ang 'playmate' for the night ko? When she's already approved with my 'boy toy' of the night, pinalalapit nya ang waiter niya para magdala ng inumin na para lang sa mga biktima ko.

Shit. 

"Sir, drinks?" alok ng waiter ni Leigh.

"No," agap ko. "He still has a drink. Offer it to someone else later," I gave the waiter a signal.

Not that guy. Go away!

Nakita ko ang pagkunot ng noo ng katabi ko.

"Why? Is that one of the special drinks this bar offers?" tanong ni rude guy. "Let me have it, then." 

"No!" iling ko sabay tabig sa waiter para matapon na yung drink but I failed! Hindi natapon!

Nagtaas si Hot-but-Rude guy ng kilay sa akin na parang na-we-weirduhan. It's okay basta ‘wag lang siya ang maging playmate ko for tonight!

"Miss, nagpapapansin ka ba? That's a cheap tactic just so you know."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Excuse me?" Napatayo pa ako dahil sa inis.

Hinarap niya ako habang humihilig siya sa bar counter with that insulting smirk still playing on his lips. "Bakit? Hindi ba? I am a player for quite some time now and I'm used to it. Kaya lang, I'm not in the mood para patulan ka ngayon. Pero kung gusto mong mapansin kita, you can strip right here and let me judge your body."

Hindi ko alam kung ano na ang hitsura ko because I was too shocked. He is too vulgar and straightforward.

"Bastos!" is all I managed to say. 

Alam kong iyon talaga ang gusto ng mga lalaki kapag ganito. But being this kind of rude is way too jerk for me.

Tumaas ang kilay niya na parang may hinihintay. Tumaas-baba ang dibdib ko.

Damn it. Fine! Does he want to play? Then I'll give him my game. 

Pinanood ko ang paglagok niya sa wine na para lang sa 'target' ko. Umismid ako. You'll surely regret it later, horndog!

The next thing that happened is we are already kissing each other. Touching one another in an executive room to one of the five-star hotels near Leigh's Bar. He's hot. And I mean, literally.

He's turned on. Shit. Hindi na talaga virgin ang mga mata at balat ko. Daig ko pa yata ang mga doctor at nurse sa dami na nang nakita kong katawan ng lalaki. But let me defend myself, hindi ko naman tinititigan ang private parts nila!

I'm here just to play. Maaaring sila, apoy ang gusto nilang laruin pero ako, sila mismo ang nilalaro ko.

Nahubaran ko na siya ng polo at pantalon. Tanging boxers na lang ang natitira niyang saplot pero hindi ko muna tinanggal. Ang hirap din naman kasing kumilos kasi ang likot ng kamay nito! Kung saan-saan dumadapo! 

Ang tagal umepekto ng gamot. Bago pa ako makaiwas ay hinila niya na ang batok ko para sa isang malalim na halik. Sabay kaming napaungol. He cursed and cupped my butt. Shit! He caressed it gently at muntik na akong mapaungol ulit. Letse! Hindi ako pwedeng madala!

Tumunog ang ringtone ko dahilan para mas lalo akong matauhan. Mahina ko siyang tinulak para makahinga ako dahil hindi niya talaga ako pinapakawalan. Ilang sandali ay naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sakin. Hanggang sa bumagsak na siya nang tuluyan sa kama. Sa wakas, umepekto rin!

"O, ano ka ngayon?" nakangising tanong ko. "Welcome to my game."

Akmang huhubarin ko na ang boxers niya nang muling tumunog ang mobile phone ko.

Tumayo muna ako para sagutin iyon. Nakita kong ang number sa Herrerias residence ang nakarehistro.

"Ma'am!" I heard the nervous voice of Mina on the other line.

"What? Alam mo bang nakaka-istorbo ka?"

"Ma'am Raciella!" ulit nya.

"Isa, Mina. Gusto mong masampal kita pag-uwi ko? Anong problema mo?"

"Umuwi na po kayo ngayon din!"

Kumunot ang noo ko at sumulyap sa lalaking natutulog sa kama. "Bakit? Gusto mong masampal ngayon na? Mamaya na, busy pa ako."

"Pero Ma'am nandito na si Madame Raniella!"

Hindi kaagad nagrehistro sa utak ko ang sinabi nya dahil lumapit ako sa kama ng kaunti. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang parang ngayon lang naintindihan ang huling sinabi niya. "W-What do you mean, nandyan na? Nasaan ka ba?" tanong kong medyo kinabahan.

"Sa mansion po!"

Kaagad akong napatayo ng tuwid at mabilisang hinagilap ang gamit ko.

"How the heck?" I shrieked. "Akala ko ba nasa Madrid siya?"

Damn! Nasaan na yung stilettos ko?

The witch is back? Ugh! Lagot ako nito!

Nagmamadali kong sinuot ang sapatos ko bago muling nilingon ang nasa kama. Oh geez. I didn't get his name. Hahalughugin ko pa sana ang gamit niya for his information pero ang sinabi ng nasa kabilang linya ang nagpatigil sa akin.

"Get your ass here in 10 minutes, Raciella, or you’re going to sleep on the streets forever."

That stern cold voice made me jump. Napapamura ako sa utak ko habang hinahagilap ang mga gamit ko. Bago ako tuluyang makalabas ay sinulyapan ko pa ulit ang lalaki sa kama. His identity is not worth to risk that short span of time. Ayokong matulog sa kalsada kung sakaling maubos ang ten minutes. I know that witch too well! She's true to her words!

As much as I would like to be disowned by her, I still need to get my inheritance from my father before that happens.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay pero nasa sala pa lang ay nahinto na ako.

“Saan ka nanggaling?”

Kinagat ko ang labi ko at bahagyang napapikit sa mahinahon niyang tanong. She’s gently flipping the page of the photographs she’s looking at while sitting on the living room chair.

I composed myself before I answer. One wrong word and I know I’ll be doomed. “From Leigh’s bar.”

“Hindi iyan ang alam ko. You were out from the bar 30 minutes before Mina called.”

“W-well, I might be on the road going home…”

“Stop giving me bullshit, Raciella,” mariin niyang banta. May diin ang bawat salita ng bigkasin niya iyon. It gives me goosebumps. “You’re on the road for 30 minutes and another 10 minutes after I called?”

Hindi ako sumagot. If I said anything more, she would still be able to use it against me. Kung ang iba ay napapaglaruan at napapaikot ko, hindi ang sarili kong ina. I might be fearless outside with other people but when she’s around, I have no rebuttal at all.

“You went out tonight with a different man from last night, the night before, and your last week’s men!”

Napapikit ako sa pagkabigla nang ihagis niya sa aking harapan ang mga litrato ng mga nakasama ko nang mga nakaraang gabi. Kuha ito habang kasama ko ang mga ito palabas ng bar ni Leigh.

Kumunot ang noo ko. “You had me followed?”

Natawa siya. “How I wish na ako nga ang nagpakuha niyan. But no! It was sent by an anonymous person. Pero hindi lang sa akin iyan pinadala. Kung hindi pati sa lahat ng shareholders ng corporation. And that someone might be one of those people eyeing for the highest position in the company.”

“E bakit ako ang pinasusundan nila? I’m not you. Hindi naman ako ang nagpapatakbo ng kumpanya mo.”

“Because they are using you against me.”

“Bakit ako? Bakit hindi si Trance? He’s the successor.”

Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin. “Hindi mo pa rin ba nakukuha? Trance is not going to take over the company. He left a long time ago at ito ang dahilan kung bakit sa’yo nakatutok ang mga taong ito. Because if he’s not going to take over, then it will be you.”

“Over my dead sexy body!” alma ko.

“You have no choice,” her words marked with finality. “So, you better stop bitching around. Fix your life. At isang beses pa ulit na malaman ko na mayroon ka na namang kasamang lalaki, I swear to your father’s grave, Raciella, you’ll regret having me as your Mom.”

Nagtiim-bagang ako. No need. Dahil matagal ko nang pinagsisisihan na ikaw ang naging ina ko. If only I had a choice.



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color