Fake Relationship With Hidden Desire
By Anne Eunice
Date: December 25, 2021
Ch. 1After All


(Chase POV)

Hawak ko ang phone ko na para bang may inaabangang magtext o tumawag. Sa single at di pinili na katulad ko, sino naman kaya ang maka-alala?
Binuksan ko ang Facebook account ko.
Casualy, swiping at the screen and looking at my news feed, but there's tension in me when I saw Angie's post. Nasa U.S. siya, ibig sabihin sinundan niya si Isaac.
Alam kong mahirap para sakanya yon pero sinundan niya talaga ang taong mahal niya kahit alam niyang ikakasal na ito sa iba.
She's not giving up on him. Mahal ko din si Isaac pero alam kong mahal niya si Angie kaya matapang na sumunod si Angie sakanya at ako wala akong lakas ng loob para sundan siya at pigilang magpakasal. I feel so pathetic.

Binuksan ko uli ang phone ko dahil naglights off ito sa tagal kong natulala. Tiningnan sa gallery ang mga pictures ni Isaac.
Nakatingin lang ako sa mga mata niya sa picture. Napabuntong hininga ako. Bakit siya pa ang pinili kong mahalin kahit alam ko naman noong una palang na hindi ako ang babaeng matitipuhan niya. Isa lang ako sa mga babaeng mahal na mahal siya at gusto siyang makasama.
He is a famous prince.
He occupied a lot of space in my heart and mind. Ikakasal na siya hindi ko man lang na-amin sa kanya ang nararamdaman ko, kung gaano ko siya kagusto. Damn!

I'm not sure of myself enough to speak to him about my feelings. I'm so scared. The fact na babae ako, nakakahiya umamin sa lalaking gusto mo at kaibigan ko pa siya. Malapit na kaibigan. So hard being a girl.

.. Isaac Calling..
Biglang nag-appear sa phonescreen ko kaya muntik ko na maitapon ang cellphone ko.

"Hello Sac? "Sagot ko agad ng tawag niya.

"Hi Chase." Damn, his voice so nice.

"Oh bakit napatawag ka? Nandyan na ba si Angie? Sabi kasi ni Gela sumunod daw siya sayo. Is she alright? "Alalang tanong ko. Making sure that Angie is with him.

"Angie is here and fine don't worry I'll take good care of her." He assured.

It hurts but feel relived knowing Angie is safe with him. They're still both my friends.
"Hmp bakit ka napatawag?"

"Please, help me. Gusto kong pakasalan si Angie pagdating namin diyan. Gusto ko sanang hanapin mo para saakin ang parents niya. " Halata sa boses ni Isaac ang excitement.

Natahimik ako. Isaac is my friend, my best friend. Model siya ng clothing business ko, kahit di naman niya kailangang mag model dahil mayaman na siya, pinagbigyan niya parin ako sa kagustuhan niya makatulong saakin.

May ari siya ng hotels at halos nasa kanya na lahat, pumayag parin siyang maging model ko.

What are friends for, hmp.

Minahal ko na siya noon pa, siguro dahil sa matagal na kaming nagkasama, gwapo siya at mabait.

Umasa pa naman ako sakanya, tapos ngayon, tinatawagan niya ako para ipaalam na papakasalan niya na ang matalik kong kaibigang si Angie.

It hurts huh. Malaman mong magpapakasal na ang lalaking mahal mo tapos sa bestfriend mo pa. Ang sakit parang nakakapanghina.

"Chase are you still there? "Rinig kong tanong ni Sac pukaw ng isip ko.

"Ah eh, yeah, yeah. Ako na bahala para doon. I'll go find her parents. " Yeah, ako na bahala sa feelings ko. I have to kill this feelings, I really have too. This must be, an unrequited passion. So sad. Mapait akong ngumiti.

"Sige, see ya Chase. I'll explain everything to you, paguwi namin ni Angie. "

"I see. No worries." Mahinang sagot ko.

Dapat lang magexplaine siya, dahil una, iniwan niya si Angie dahil mapapakasal siya kay Elaine sa States, tapos ngayon tumawag siya para sa planong pagpapakasal kay Angie. Anong nangyari?

"Bye."

"Yeah, see you, Sac. "

"Say my regards to Hale. "

"I will, goodbye. "

"Goodbye. "

Pinutol niya na ang tawag.

Tumingala ako sa langit at tiningnan ang asul na kalangitan. Ang laki ng Mundo at maraming lalaki, pero kay Isaac pa ako halos mabaliw kahit alam kong malabo siyang maging akin.

By the way, about Hale Standford.
Hale is one of Isaac's male bestfriends.
Hale is been my crush since the day I saw him. He has this cold and gloomy aura. He is tall and caring.
Like me, he is inlove with his sister-in-law Dustine. Until now kahit kasal na si Dustine sa kuya niyang si Hayce. He still into her.

Katulad na lang nung isang araw. Nasa labas kami ni Hale, namimili ng kung ano ano ng biglang tumawag si Dustine, ayun iniwan lang ako ni Hale magisa sa mall para puntahan si Dustine.

Tapos sa bahay ni Hale, nung isang beses dinala niya ako doon para manood pagusapan ang tungkol sa model toys na gagawin. Hale is CEO of his own toys company at nakapagdeal ako sakanya para igawa ako ng toy model kaya ako pumunta sa bahay niya that time.

May isang closet sa bahay niya na puro damit ni Dustine. Sinuot ko pa nga ang isa sa mga damit ni Dustine doon.

Si Dustine ay asawa ng kapatid ni Hale na si Hayce. Hayce is a good looking and good person too like Hale.
Tingin ko sa ginagawa ni Hale, masama kasi pinagnanasaan niya parin ang asawa ng kuya niya. But who am I to judge? Ganon din naman ako kay Isaac. Siguro mahal talaga ni Hale si Dustine, katulad ng pagmamahal ko kay Isaac.

Damn heart! Bakit kailangan pang ganon? Dapat kase kapag mahal mo mamahalin ka rin, pero hindi ganon at yon ang masakit.

Sinungaling ako kung hindi ko amining nagseselos ako kay Dustine lalo na kay Angie.
Pero wala akong karapatan, hindi ko pagaari si Hale at Isaac!

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.
.. Hale Calling..

Hmp, bakit napatawag ang isang to? Tsk.
"Yes coldy? "Sagot ko. Coldy ang tawag ko kay Hale dahil kasing lamig ng yelo ang mga titig niya at pagkatao.
Minsan nga sinusubukan kong mapangiti siya, pero si Dustine lang ang may kayang pangitiin si Hale and I'm not Dustine. I can't be Dustine.

"Chase? Are you free tonight?" Tanong neto.

"Hmp, yup, maybe? Why? " Alanganing sagot ko.

"Wanna go out tonight? I want to talk with someone. " Malamig na sambit nito.

"Oh, okay? What about in your house? Ayaw kong lumabas kasi taglamig na ngayon." Sambit ko tiningnan ang mga mahahaba kong kuko na katapos ko lang pslinisan at pakulayan ng peach.

"Hmp, sige, sa bahay na lang. " Sang ayon niya.

"Sige. "

Magisa lang kasi sa bahay niya si Hale. His mom nasa States, may negosyo sila doon.
Ayaw ko rin dito sa bahay nandito ang gangster kong si kuya Sid at di kami close. Baka bugbugin lang ni kuya si Hale. Di lahat ng magkapatid, close.
Gusto ko ring may makausap lalo na ngayong nasaktan talaga ako dahil sa nalalapit na pagpapakasal ni Isaac.

Proud parin ako dahil ako parin inaasahan niya para sa kasal niya. Haha, dapat ba akong maging proud?

Nakakaawa talaga ako. I have friends, bestfriends rather, Malia, Gela and Angie plus Nea and Toneth.I've known them recently. They are busy with their own life kaya si Hale na lang talaga ang pwede kong lapitan para may makakausap at malabasan ng hinaing.

Dapat kung gusto mo ang isang tao dapat gusto ka rin niya, dapat ganun ang mundo, pero hindi talaga.

Nagayos na ako para dumaan muna sa kakilala kong wedding coordinator at detective, para ipahanap ang parents ni Angie, bago puntahan si Hale.

Isaac and Angie are still my bestfriends after all.
As of Hale, ano na nanaman kayang problema nun?

Tsk.

(Fast Forward)

"Hale? I'm here! Where the hell are you? "Tawag ko pagdating sa bahay niya.

Alam ko naman ang codes ng doors niya at may spare keys din ako.

Matagal na kaming magkakilala, at bestfriend ko na rin siya. Iwan ko ba kung bakit naging bestfriend ko ang isang to, eh completely opposite ko siya.

Masyado siyang seryoso at sobrang tahimik na tao. Minsan mo lang siya maaktuhang makulit at madaldal.

"Chase, upstairs. "Rinig kong tawag ni Hale sa itaas at kumaway.

Tumakbo ako paakyat, papuntang room niya.
"Hi. "Bati ko pagkapasok ng room niya.

"Hi, sorry for the mess. " Sambit niya habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya.
Umismid ako.
"Well, my room is quite messier than yours."

"Really?" Panigurado neto tinapunan ako ng tingin.

"Yup, so what do you want to talk about? "Tanong ko at umupo sa tabi niya kaharap ng TV.

Hindi ako takot kay Hale kahit lalaki siya, dahil mukhang wala siyang pagnanasa saakin.Well, he did kissed me before. Mukha ring hindi niya ako gagahasain at mukhang matino naman siya kahit seryoso at parang maraming nililihim ang mga mata niya.

"Stop staring at me like that. It's scary. "Reklamo niya.

Haha sira talaga ako.
Napangiti ako. Akward.
"Sorry. "

"You want to eat?"

"Hmp, kumain na ako sa bahay. Wine instead?"

"Okay, but promise me not to vomit in my room." Tumayo na siya para kumuha ng wine.

"Tsss promise. "

"The smell of your vomit sucks. "

"Arghh I know. I know. Go get wine now. You're so noisy." Irap ko.

Tumayo na siya para kumuha ng wine.
Siguro di ko na muna sabihin sakanya ang tungkol sa plano ni Isaac. Nandito ako dahil gusto niyang may kausap kaya dapat makinig lang ako. Hindi ko na dapat dagdagan ang problema niya.

Maya maya pa bumalik na siya dala ang wine at isang baso.

"Woah bakit isang baso lang? Plano mo bang tunggain ang bote alak? " Pagtatakang sambit ko.

"Ang arte mo, palitan na lang tayo ng baso."

"Tsss, ako na nga kukuha, ang tamad mo." Iling ko.

Tatayo na sana ako pero pinigil niya ang damit ko hinila paupo.
"Ako na, buksan mo na yan, at wag kang magkalat."

"Fine."

Pagkaalis niya kinagat ko agad ang cork.
Pagbalik ni Hale may dala na itong peanuts at isa pang baso.

"Ano bang gusto mong pagusapan? "Tanong ko uli.

Binuksan nito ang tv at saktong lovescene ang palabas.

Damn! Ang akward. Ang dumi tuloy ng iniisip ko! Nagkunwari na lang akong parang wala lang.
Di din naman mapigilang mapahanga kay Hale. Sexy at goodlooking si Hale plus lalaki siya.

Ayaw ko rin namang ilipat ang chanel baka isipin niyang malisyosa ako.

"So, how's you and Isaac?" Tanong neto kaya napatingin ako sakanya. Nagkunot ang noo ko. Akala ko ba ang tungkol sakanya ang paguusapan namin?

...



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color