Loving The Sky (Loving Series #1)
By YourSeñoritaBb
Date: December 24, 2021
Ch. 2Chapter 1


I don't know when I started noticing him.

I watched him as he bites his lips while he started carrying our foods. That simple act revealed his small and deep dimples that made my mood even lighter, he's really a vibe changer. Beads of sweats began to form on his forehead, right at that moment I envy them as they had to cling by his hands.

"Ang pangit naman ng tinitingnan mo Mira!"

Napa ayos ako ng upo at tumikhim ng parating s'ya sa kinaroroonan ko.

"Yuck!"
Tatawa-tawa niyang saad as he acted  the way he pukes. 'Di niya man lang alam na siya ang tinitingnan ko, is he doesn't know that I liked him or he's just pretending not to know?

I sighed.

His soft hair followed his swift move as he sat beside me.

"By the way, punta ka mamaya sa bahay ah?" aniya pagkatapos ilapag ang pagkaing in-order. Iba talaga pag rich kid!

"Ano meron?" 'Di pa man ako tapos sa pamamangha sa binili ng lalaki ay ngumiti ito.

"Study. Finals is coming." Aniya

Nang mapansing hindi ako kumibo, he pinched my cheeks while staring deeply in my eyes. His familiar scent shared mine as he leaned closer. Even his baritone voice made me feel the butterflies inside.

"Don't worry, mom's not there. Next week pa ang uwi no'n. Ipapa-alam na din kita nina tito't tita. At huwag ka na din muna pumasok mamaya ah?  Sagot ko na suweldo mo sa oras na 'yon hmm?"

That pounded my heart. That's so kind of him that I thought of something deeper with our friendship. He always makes a way for me and knows how to comfort me with his simple ways.

"Eat now Mira, tumataba ka na naman ah?"

Pabiro ko s'yang inirapan at hinampas. We both laughed and started to eat.
He really knows how to make me feel special everyday.

"Nga pala, galing mo kanina sa recit niyo ah? Napa daan ako sa department niyo eh."
Biglang tanong ko at ngumiti.

"Ako pa ba?"
He smiled while gesturing swag pose. Trip yarn? Haha

"Nangangatog na siguro ang binti ko kung ako 'yon. Aba mabuti na lang talaga at hindi ako sumunod sa'yo sa law, mapanis lang ako ba hahaha."

I can't imagine myself studying law kasi, except sa napaka daming readings no'n, kulang lang din ang pera ko para sa tuition every sem. Mas mataas ang bayad pag law student ka talaga kaya aasahan ding matatalino ang student.

"You're doing great din kaya, lagi kang nakaka sagot pag natatawag ka."
I laughed at his words.

"Palaging nakaka sagot ng 'I don't know the answer po' kako."
Tawa ko pa.

"Tumigil ka muna kasi sa work mo, give time to yourself and for your study din. Dream mong maka tapos diba? You should think that beforehand."
Aniya. He excused himself after getting a phone call.

I sighed.
Grey's right. I should think about this for my future. Kahit hindi man ito ang pangarap na kurso, I promised I will be able to survive college and start to reach my goal.. Kahit para sa sarili ko man lang..

"Andito na po ako!"
I shouted right infront of our house.

Hindi na ako nagulat sa dumi ng bahay pagkapasok ko.

I sighed, iniwan na naman nila mama ang bahay ng naka on ang tv. Pinatay ko muna ito bago pumunta sa kwarto upang mag bihis.

I started cleaning the sala at sumunod naman sa kusina.
Magluluto pa pala ako kaya hinanda ko na ang dapat na lulutuin. Pagka bukas ko sa ref ay nagulat ako.
B-bakit wala ng laman 'to? Kaka grocery ko lang kahapon ah?

And I realized kung ano ang mga iniligpit ko kanina. Inubos na naman nila lahat ng pagkain.

Nagbihis ako uli at pumuntang grocery. This is my last money I had for this month, may savings ako pero ayokong pati 'yon mailabas ko.
Hindi nalang muna ako bibili ng kakailanganin sa school.

"Oh Mira, mamamalengke ka uli? 'Diba namalengke kana kahapon? Ang alam ko kasi every week ka bumibili dito eh."
Bungad sa'kin ni Aling Yela, kapit bahay namin.

"Opo."
I just smiled at namili nalang ng lulutuin.

After ko makauwi at nagluto. I noticed the time. May trabaho pa pala ako, late na akooo. Kaya 'di na ako kumain at nagbihis na lang papunta do'n.

Before I could start my work as a call center agent, kinuha ko ang phone ko at chinat si Grey.

"Sa susunod nalang ako pupunta diyan. Sa bahay nalang ako mag re-review mamaya. Pahingi ulam bukas ah? Hihihi masarap 'yong binili mo kanina. Beke nemenn. Thanks!"

Pwede ring 'yong manlilibre ang akin.

Pagkatapos ay in-off ko ang cell phone at ibinulsa.

10:00 pm na ng maka uwi ako. Nagtataka ako sa dami ng tao sa kapit-bahay. Hindi ko nalang pinansin dahil sa pagod at dumiretso nalang ng kwarto, pagkatapos mag review ay naka tulog din naman agad ako.

--
I woke up with a smile on my face, a new smile for a new day!
Nag unat ako ng sarili at inayos ang kamang hinigaan. Grey's face flashed on my mind. Remembering his face made my smile even wider.

Heh! Nababaliw naba ako? Pigilan mo ang sarili Mira! Nako nahuhulog ako sa sariling patibong ng sabihin ko noon na never akong magkaka gusto sa bestfriend ko!

Uminom muna ako ng tubig at naligo. Pagkababa ko, ando'n na sila lahat sa hapag. Si mama, papa, at ang dalawa kong nakakatandang kapatid.

"Kumain ka na dito."
Walang ganang saad ni papa.
I nod in return.

"Kumusta ang pag-aaral mo?"
Si ate.

"Okay lang te."

"Siguraduhin mo lang Mira ah? Sayang ang pagpapa-aral namin sa'yo."
Dugtong niya pa.
I sarcastically smiled at hinigpitan ang hawak na kutsara't tinidor.

Tumikhim si papa, his sign to shut my sister's mouth. Mabuti pa nga, ayaw ko nang maka rinig pa ng kung ano galing sa kanila.

"Ano bang nangyari sa anak ni Yella at nagtangka itong bawiin ang buhay kagabi?"
Panimulang tanong ni papa.
I stunned as I heard it. Kahapon lang ay nakita ko ang anak ni aling Yella sa palengke. Kaya pala siguro ang daming tao sa bahay nila pagka uwi kagabi.

We really can't read other's emotion. May iba alam lang kapag masayahing tao ka, you didn't have the right to be sad dahil para sa kanila ka dramahan.

"Sus! If I know, she's just seeking everyone's attention. Nag dra-drama lang iyon!"
Maarteng usal ni Ate.

Padabog kong inilagay ang kutsara sa plato pero 'di ko nalang ipinahalata. Lalaki lang 'to.

"She's suicidal ate, paniguradong may dinadalang problema iyong tao."
Mahinahon kong saad. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

"Sus may depression-depression pang nalalaman! Aminin niya nalang that she's being dramatic to gain fame. Para kaawaan siya ng marami."
Irap pa niya.

I sighed. 'Di nalang ako nagsalita.
Kahit ano namang sabihin ko they can't understand other people's pain. They can't understand that depression must be treated.
And everyone is vulnerable to have such, no one is excepted.

"Kung sa bagay, you're a psychology student. Hindi ko maiimagine in the future that you'll be treating crazy people. Baka kung ano pa bang sakit sa utak ang makuha ko kapag ako nasa posisyon mo."
Padabog akong tumayo at walang pasabing lumabas.

Kahit ano pang sabihin ko sa pamilya ko, sila pa din talaga ang tama at sa paningin nila palagi akong mali.

That's how they defined a person, by just seeing kung ano ang nakikita nila sa'yo sa labas iyon na 'yon.  Without knowing your pain, they acted like they know everything about you.
Ang hirap maki sabay sa mga taong hindi pareho ng paniniwala sa buhay.

Kahit nakakapagod silang intindihin wala akong magawa kundi gawin ang pag intindi na never nilang pinaranas sa buong buhay ko.

Pumara ako ng jeep at sumakay.
I sighed. Ang ganda-ganda ng gising ko eh! Nakaka pangit talaga ang bungad sa'kin ng pamilya ko.

"Oh sino pang hindi nag babayad diyan, mag bayad na kayo!"
Sigaw ng driver.

Kinapa ko ng kinapa ang wallet ko sa bulsa ng mapansing naiwan ko nga pala sa kwarto ko 'yon.
Pa'no ako nito makaka bayad?

Hinalungkat ko pa bag ko, nagbabaka- sakaling may tig pi-piso akong naitira pero wala.

"Nahihiya talaga ako sa mga makakapal ang mukhang hindi pa nagbabayad diyan."
Sarkastikong usal pa niya.

Gusto kong isigaw sa harap kay manong driver na magbabayad naman ako kung hindi ko lang naiwan ang wallet ko sa bahay. Kainis!

Maluha luha akong tumingin sa driver at ang nakaka hiya pa ay pinag titinginan ako ng mga tao! This is so unsettling!

Gusto ko nalang magpa lamon sa lupa ngayonnn huhu.

"Bayad po manong para sa kanya."
Sa saya ko at may tumulong din sa'kin ay sinundan ko ang pinang galingan ng boses. Iniligtas niya ako sa kahihiyan hihi.

My mouth parted in shock after noticing that it was Grey. He smile wildly as if matagal akong hindi nakita.
I shyly smiled after gaining my sense.

"Nakakatampo ka naman, ngayon mo lang ako pinansin."
He even pouted! Even how I find him cute, I remained silent at inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok kong nalilipad ng hangin.

"Thanks, naiwan wallet ko noh, makaka bayad naman ako."
Bulong ko sa kanya.

"I know."
He laughed.
Kahit anong inis ko kanina, nawala dahil lang sa pagtawa niya. Ganito na ba ako karupok para mahulog lalo sa kanya?

"Nasaan nga pala kotse mo? Bakit ka nag jeep?"
Tikhim ko ng mapansing pinag titinginan na kami ng mga tao, lalo na sa mga babaeng katapat ko lang. From here kitang-kita ko kung paano sila kiligin.

Sana isipin nila na mag jowa kami noh para 'di na sila nakiki tingin sa kung ano ang akin.

Heh! Kadidir talaga ang sarili ko pag dating sa lalaking 'to. Kung ano-ano nalang ba naiisip.
But he's the only man that makes me feel this way.

"Nasiraan ako."
Tugon niya.

Napangiti ako ng may nabubuo na namang kababalaghan sa isip ko. Sana sinabi niya nalang na nasiraan siya, sa akin..

"Sabay ulit tayo mag lunch mamaya, susunduin nalang kita sa room niyo after class."
Aniya pagka pasok namin ng gate.

"My treat, you liked the food I bought yesterday?"
I nodded. He pats my head before we seperated ways. Nasa 3rd floor pa ang department nila at kami ay nasa 1st.

"PDA masyado kayo Mira!"
Sam shouted as I entered the room. She's the only girl friend I had here since my college started. Kakilala ko lang 'yong mga classmates ko pero hindi super close like gano'n sa'min ni Sam.

"Walang PDA do'n Sam tigilan mo ako."
I ghost a smile. Alam kong lahat ng nakakakita sa amin ang iniisip ay kami but we both knew the answers.

Minsan naririnig kong tinatanong ng mga ka batch mates ko ang lalaki if we are officially dating, tinatawanan niya lang.

Umaasa ako na sana, na sana one day he would ask me to go on a date. Kaso parang bato lang talaga ang presensya ko sa kaniya.

"Sus! Gusto mo naman! I know, kaya lagi ko kayo shini-ship dalawa eh." At nag finger heart pa talaga siya.

Nagsi upuan ang lahat ng dumating ang teacher namin sa first subject. After exchanging good morning's, natahimik na ang lahat ng magsimulang magsalita ang guro.

"Ah by the way, who's the president here?"
She asked and I raised my left hand.

"Presidents of every department is asked to have a meeting. Sorry for informing you late. You can go now."
Saad niya pa.

Matapos mag paalam sa guro ay dumiretso na'ko sa door 5, room for meetings na para sa students lang talaga. Sa door 6 naman ang sa mga teachers.

'Di ko talaga maiwasang mamangha nang maglakad ako sa hallway. Kahit I'm on my 3rd year na, feels like freshmen pa rin ako. Sa laki ng university na pinapasukan ko dito sa Cebu, nalibot ko 'to lahat as I am one of the SA here or Student's Assistant.

As I entered the place, dali-dali akong umupo dahil ako na lang daw ang kulang.

"We knew that finals and school fest are coming. So we need to plan this beforehand."
Panimulang saad ni Miko. He's from the department of Engineering.

Nag take note nalang ako sa mga planong nai su-suggest at need pa itong ipasa sa school head for approval. It took us two hours for suggestions, organizing and finalizing the ideas, dinismiss na din naman kami after.

"Oh tapos na kayo?"
Bungad ni Sam pagka upo ko and I nodded.

"Sayang wala ka, hinahanap ka ng paborito mong teacher."
Sabay tawa niya.

"Baka ako kako ang paborito niya."
We both laughed at tumahimik din ng dumating ang sumunod na professor.



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color